An official website of the United States government
Here’s how you know
Official websites use .gov
A .gov website belongs to an official government organization in the United States.
Secure .gov websites use HTTPS
A lock (
) or https:// means you’ve safely connected to the .gov website. Share sensitive information only on official, secure websites.
MARSO 17, 2022 — Inanunsyo ngayong araw ng Kawanihan ng Senso ng U.S. na ang mga antas ng kulang at labis na pagbilang ng estado (state) at ng District of Columbia, mula sa Survey Pagkabilang (PES, ayon sa akronima sa Ingles) ng 2020 Senso ay ilalabas sa Mayo 2022, nang mas maaga kaysa sa inanunsyo noong nakaraan (sa Ingles lamang).
Ang paglabas sa panahong ito ng tagsibol ay kinabibilangan ng:
Ang mga resulta ay mahahati ayon sa mga katangiang pandemograpiya o mga pangheograpikong lugar (sa Ingles lamang) sa loob ng estado (state). Sa pagsunod sa 2010 PES, hindi inilabas ng Kawanihan ng Senso ang mga tantiya ng estado (state) sa saklaw ayon sa grupong pandemograpiya. Sa sampol na laki para sa 2020 PES at sa mga palagay na iniaatas upang gumawa ng mga tantiyana nasa pangalawang antas ng estado (state), hindi namin maaaring isama ang mga tantiya sa county o lugar na nasa mga ulat ng 2020 PES.
Ang natitira sa mga tantiya ng PES, kabilang ang mga resulta para sa mga yunit ng pabahay, at mga antas ng kulang at labis na pagbilang para sa Puerto Rico, ay naka-iskedyul na ilabas sa panahon ng tag-init.
Inilabas ng Kawanihan ng Senso ang mga unang resulta mula sa PES (sa Ingles lamang) kasama ang mga karagdagang resulta mula sa 2020 Pagsusuring Pandemograpiya (DA, ayon sa akronima sa Ingles) noong Marso 10. Ang unang paglabas sa mga resulta ng PES ay nagbigay ng mga tantiya ng saklaw na populasyon sa pangkalahatan at ayon sa mga grupong pandemograpiya, gaya ng lahi at Hispanikong pinagmulan, pati na rin ang mga grupo ng edad at kasarian. Kasama sa mga resula ng DA ang netong tantiya ng error sa saklaw ayon sa edad at kasarian.
Ang PES ay lumilikha ng tantiya ng bilang ng mga taong naninirahan sa Estados Unidos noong Abril 1, 2020 (hindi kasama ang mga taong nasa mga grupong tirahan, gaya ng mga tirahan na may taga-alaga (nursing home) o mga dormitoryo sa kolehiyo, at mga taong nasa malayong lugar sa Alaska), sa pamamagitan ng pag-survey sa isang sampol ng mga taong nasa Estados Unidos at pagtugma ng kanilang mga rekord sa 2020 Senso.
Walang inilabas na balitang nauugnay sa anunsyong ito. Tip sheet lamang.
###
Share
Contact
Kristina Barrett
Opisina ng Pampublikong Impormasyon
301-763-3030 or
877-861-2010 (U.S. and Canada only)
pio@census.gov
Top