An official website of the United States government
Here’s how you know
Official websites use .gov
A .gov website belongs to an official government organization in the United States.
Secure .gov websites use HTTPS
A lock (
) or https:// means you’ve safely connected to the .gov website. Share sensitive information only on official, secure websites.
Ang lahat ng link ay makikita lang sa Ingles.
AGOSTO 1, 2024 — Inilabas ngayon ng Kawanihan ng Senso ng U.S. ang bilang ng mga sambahayan ayon sa 2020 Senso, kasama ang impormasyon tungkol sa uri ng sambahayan at tenure (kung ang tirahan ay pag-aari o inuupahan) para sa 300 detalyadong grupo ng lahi at etniko at 1,187 tribo at nayon ng Amerikanong Indian at Katutubong Alaska. Ang 2020 Senso Detalyadong Demograpiko at mga Katangian ng Pabahay File B (Detalyadong DHC-B) ay nagbibigay ng impormasyon ng sambahayan batay sa lahi o etnisidad ng puno ng sambahayan (ang unang adult sa isang sambahayan kung para kanino nagbigay ng mga sagot sa senso).
Mayroon nang data ng Detalyadong DHC-B para sa bansa, mga estado, county, lugar, lugar ng senso, at mga lugar ng Amerikanong Indian, Katutubong Alaska at Katutubong Hawayano (AIANNH).
Ang produkto ng data ngayong araw ay ang kasamang produkto sa Detalyadong DHC-A, na nagbigay ng kabuuang populasyon at ang bilang ng mga lalaki at babae ayon sa edad para sa parehong detalyadong grupo. Inilabas ang Detalyadong DHC-A noong Setyembre 2023.
Ang Detalyadong DHC-B ay mayroong data para lang sa populasyon ng sambahayan. Hindi kasama sa produkto ng data na ito ang mga tirahan ng grupo (gaya ng mga dormitoryo sa kolehiyo, kulungan o kwartel ng militar).
Para sa higit pang impormasyon tungkol sa kung ano ang kasama sa Detalyadong DHC-B, bisitahin ang blog na “Pag-unawa sa Detalyadong Demograpiko at mga Katangian ng Pabahay File B.”
Sinusuri sa kuwento ng America Counts na “Sino ang Nakatira sa mga Bahay na Pag-aari Nila?” ang detalyadong lahi at etnisidad ng mga sambahayang inookupa ng may-ari sa buong bansa at ayon sa estado.
Makikita ang kumpletong hanay ng mga talahanayan ng Detalyadong DHC-B sa data.census.gov. Para sa tulong sa pag-access at paggamit sa data, tingnan ang mga maikling video at patnubay sa paggawa na may mga screenshot sa pakete ng mga babasahing para sa mamahayag tungkol sa Detalyadong DHC-B. Makikita rin ang data sa Interface ng Programming ng Aplikasyon (Application Programming Interface oAPI) ng Kawanihan ng Senso at bilang isang file ng buod para sa mas madaling maramihang pag-download.
Ang dami ng magagamit na data para sa mga detalyadong grupo ng lahi at etniko at mga tribo at nayon ng AIAN ay nakadepende sa laki ng populasyon nila sa loob ng isang partikular na heograpiya. Ang pamamaraang ito ay nagbibigay-daan sa Kawanihan ng Senso na makagawa ng maraming detalye hangga't posible habang tinitiyak ang mahihigpit na proteksyon sa pagiging kompedensiyal at pinapanatili ang mga pamantayan sa kawastuhan ng Kawanihan ng Senso. Makikita ang higit pang impormasyon, kasama ang gabay at mga tip sa user ng data, sa webpage ng Detalyadong DHC-B at sa teknikal na dokumentasyon.
Para sa higit pang impormasyon kung paano kinokolekta, binibigyan ng code, at inilalagay sa talahanayan ng Kawanihan ng Senso ang estadistika tungkol sa lahi at Hispaniko o Latinong pinagmulan, i-explore ang 2020 Senso Detalyadong Teknikal na Dokumentasyon ng DHC-A at ang blog na Ano ang Dapat Mong Malaman Tungkol sa Paparating na Detalyadong Demograpiko at mga Katangian ng Pabahay File A.
###
Share
Contact
Stacy Gimbel Vidal
Public Information Office
301-763-3030 or
877-861-2010 (U.S. and Canada only)
pio@census.gov
Related Information
Top