Ang lahat ng link ay makikita lang sa Ingles.
SETYEMBRE 21, 2023 — Inilabas ng Kawanihan ng Senso ng U.S. ngayong araw ang bilang ng populasyon ayon sa 2020 Senso at ang estadistika ayon sa kasarian at edad para sa 300 detalyadong grupo ng lahi at etniko, pati na rin para sa 1,187 detalyadong tribo at nayon ng Amerikanong Indian at Katutubong Alaskan (AIAN, ayon sa acronym sa Ingles).
Ang mga data na ito ay mula sa 2020 Census Detailed Demographic and Housing Characteristics File A (Detailed DHC-A). Naglabas dati ang Kawanihan ng Senso ng data ng 2020 Senso para sa populasyon ng Hispaniko o Latino at mga pangunahing grupo ng lahi gaya ng Puti, Itim, o Aprikanong Amerikano, Asyano, atbp.
Ang inilabas ngayong araw ay nagdagdag ng impormasyon sa mga detalyadong grupo sa loob ng mga pangunahing kategoryang iyon gaya ng Aleman, Lebanese, Jamaican, Tsino, Katutubong Hawayano, at Mehikano — at sa mga tribo at nayon ng AIAN gaya ng Navajo Nation. Kabilang sa inilabas ang impormasyon tungkol sa mahigit sa 200 detalyadong grupo ng lahi at etniko na hindi nailagay sa talahanayan mula sa mga nakaraang senso.
“Binibigyang-pansin ng mga data na ito ng 2020 Senso ang malawak na pagkakaiba-iba sa kabuuan ng ating bansa,” sabi ni Rachel Marks, pinuno ng Sangay ng Estadistika ng Lahi ng Kawanihan ng Senso. “Nagkaroon tayo ng kumprehensibong larawang ito, salamat sa milyon-milyong tao na sumagot sa senso at nagbigay ng kanilang detalyadong pagkakakilanlan ayon sa lahi, ethnisidad, o tribo, at salamat sa mga stakeholder, mananaliksik, at lider ng tribo na tumulong sa aming pahusayin kung paano namin kinokolekta ang mga detalyadong data na ito.”
Kasama sa mga highlight, inihayag ng Detalyadong DHC-A ang mga pinakamalaking detalyadong grupo sa loob ng mga pangunahing grupo ng lahi at ang populasyon ng Hispaniko. Para sa mga grupo ng lahi, mayroong data para sa parehong populasyon na lahi lang at populasyon na lahi lang o may anumang kumbinasyon. Kinakatawan ng populasyon na lahi lang ang minimum na bilang ng mga tao na tinukoy ang sarili nilang kabilang sa grupong iyon. Kasama rito ang mga nag-ulat ng isang sagot lang, gaya ng Fijian lang. Kinakatawan ng populasyon na lahi lang o may anumang kumbinasyon ang maximum na bilang ng mga tao na tinukoy ang sarili nilang kabilang sa grupong iyon. Kasama rito ang nag-ulat ng isang sagot lang, gaya ng Fijian, at iyong mga nag-ulat ng maraming sagot, gaya ng Fijian at Hapon o Fijian at Itim o Aprikanong Amerikano.
Dapat gawin nang may pag-iingat ang mga paghahambing ng data ng detalyadong lahi ng 2020 Senso at 2010 Senso at dapat isaalang-alang ang mga pagpapahusay na ginawa sa tanong tungkol sa lahi at sa paraan ng pag-code ng mga sagot ng Kawanihan ng Senso. Gayunpaman, mapaghahambing ang detalyadong data ng Hispanikong pinagmulan mula sa tanong tungkol sa etnisidad sa pagitan ng dalawang senso. Makikita ang higit pang impormasyon tungkol sa mga pagbabagong ginawa sa paraan ng pag-code sa mga detalyadong grupo ng lahi at etniko para sa 2020 Senso sa blog na What You Should Know About the Upcoming Detailed Demographic and Housing Characteristics File A.
May higit pang impormasyon tungkol sa mga detalyadong grupo sa mga kuwento ng America Counts:
Naglathala rin ang Kawanihan ng Senso ng hindi pa tapos na papel tungkol sa Understanding Counts of Afro-Latino Responses in the 2020 Census, na nagpapakita ng iba't ibang paraan ng paglalagay sa talahanayan ng mga sagot ng Afro-Latino.
Ang Kawanihan ng Senso ay maglalabas ng mga kuwento tungkol sa mga detalyadong populasyon sa loob ng populasyon ng Hispaniko, Amerikanong Indian, at Katutubong Alaska, Puti, Itim o Aprikanong Amerikano, at Iba Pang Lahi sa loob ng mga susunod na ilang linggo.
Makikita ang data ng Detalyadong DHC-A sa interactive na pag-visualize sa Detailed Races and Ethnicities in the United States and Puerto Rico: 2020 Census. Minamapa ng pag-visualize na ito ang pinakamalaki at pangalawang pinakamalaking detalyadong grupo ayon sa estado at county at nagbibigay ng mga listahan ng ranking ng mga detalyadong grupo ayon sa grupo ng lahi o etniko at ayon sa heograpiya.
Makikita rin ang kumpletong hanay ng mga talahanayan ng Detalyadong DHC-A sa data.census.gov. Para sa tulong sa pag-access at paggamit sa data, tingnan ang mga maikling video at patnubay sa paggawa na may mga screenshot sa Detailed DHC-A press kit.
Ang dami ng magagamit na data para sa mga detalyadong grupo ng lahi at etniko at mga tribo at nayon ng AIAN ay nakadepende sa laki ng populasyon nila sa loob ng isang partikular na heograpiya. Ang pamamaraang ito ay nagbibigay-daan sa Kawanihan ng Senso na makagawa ng maraming detalye hangga't posible habang tinitiyak ang mahihigpit na proteksyon sa pagiging kompedensiyal at inilalarawan ito nang mas detalyado sa blog na Data Quality for Detailed Race and Ethnicity Groups and American Indian and Alaska Native Tribes and Villages in the 2020 Census.
Para sa higit pang impormasyon kung paano kinokolekta, binibigyan ng code, at inilalagay sa talahanayan ng Kawanihan ng Senso ang estadistika tungkol sa lahi at Hispaniko o Latinong pinagmulan, i-explore ang mga webpage ng mga pagpapakahulugan sa paksa ng 2020 Senso, ang 2020 Census Detailed DHC-A Technical Documentation, at ang blog na What You Should Know About the Upcoming Detailed Demographic and Housing Characteristics File A.
Makikita ang impormasyon tungkol sa mga pagprotekta sa pagiging kompedensiyal at kawastuhan ng data para sa 2020 Senso sa website na 2020 Census Data Products: Disclosure Avoidance Modernization.
###