U.S. flag

An official website of the United States government

Skip Header


For Immediate Release: Thursday, August 05, 2021

Magsasagawa ng News Conference ang Kawanihan ng Senso sa Paglalabas ng Data ng Muling Pag-distrito ng 2020 Senso

Press Release Number CB21-CN.51 Tagalog

Ano:

Magsasagawa ng news conference ang Kawanihan ng Senso ng U.S. para talakayin ang paglalabas ng mga unang resulta sa lokal na antas mula sa 2020 Senso. Ginagamit ng mga estado (state) ang mga data na ito tungkol sa lahi, Hispanikong pinagmulan, at populasyon ng edad na puwedeng bumoto para iguhit muli ang mga nasasakupan ng kanilang mga distritong panglehislatibo na pangkongreso at pang-estado (state).

Ibibigay sa news conference ang paunang pagsusuri ng mga unang resulta sa lokal na antas mula sa 2020 Senso tungkol sa pagbabago sa populasyon, lahi, etnisidad, populasyon ng may edad 18 pataas, at katayuan ng pagtira sa pabahay.

Ang briefing para sa kwalipikadong media na nag-RSVP ay agad na susundan ng Q&A na session kasama ang mga eksperto sa paksa mula sa Kawanihan ng Senso.

(Sa Ingles lamang)

Kailan:

Ago. 12, 2021

1 p.m. EDT

Sino:

  • Ron Jarmin (Sa Ingles lamang), kumakatawang direktor, Kawanihan ng Senso ng U.S.
  • James Whitehorne (Sa Ingles lamang), chief, Tanggapan ng Data ng Muling Pag-distrito at Mga Karapatang Bumoto, Kawanihan ng Senso ng U.S.
  • Nicholas Jones (Sa Ingles lamang), direktor at senior advisor ng Pananaliksik at Outreach sa Lahi at Etnisidad, Dibisyon ng Populasyon, Kawanihan ng Senso ng U.S.
  • Marc Perry (Sa Ingles lamang), senior demographer, Dibisyon ng Populasyon, Kawanihan ng Senso ng U.S.
  • Michael C. Cook, Sr. (Sa Ingles lamang), chief, Tanggapan ng Pampublikong Impormasyon, Kawanihan ng Senso ng U.S. (moderator)

Ire-record ang event at mapapanood ito sa Press Kit ng Mga File sa Muling Pag-disrito Ayon sa 2020 Senso (Sa Ingles lamang). Magkakaroon din ng transcript sa press kit.

Pag-access:

Mapapanood ang briefing sa balita sa page na Live ng Senso ng Kawanihan ng Senso (Sa Ingles lamang).

Ang impormasyon ng pag-dial-in para sa accredited na media para magtanong ay ibibigay pagkatapos mag-RSVP (Sa Ingles lamang). Tumawag nang mas maaga nang 15-30 minuto para mabigyan ng panahon ang pagpaparehistro. Limitado ang pakikilahok sa Q&A sa accredited na media lang pagkatapos ng presentation.

RSVP:

Dapat ay mag-RSVP gamit ang webpage ng Eventbrite ang mga miyembro ng media na gustong lumahok sa news conference na ito at magtanong (Sa Ingles lamang).

Mga Panayam:

Makipag-ugnayan sa Tanggapan ng Pampublikong Impormasyon ng Kawani ng Senso sa pio@census.gov o sa 301-763-3030 o 877-861-2010 para humiling ng panayam.

Mga Mapagkukunan:

Contact


Tanggapan ng Pampublikong Impormasyon
301-763-3030 or
877-861-2010 (U.S. and Canada only)
pio@census.gov

Page Last Revised - October 8, 2021
Is this page helpful?
Thumbs Up Image Yes Thumbs Down Image No
NO THANKS
255 characters maximum 255 characters maximum reached
Thank you for your feedback.
Comments or suggestions?

Top

Back to Header